"Let us deal warily with them lest they increase still more and, in case of war, side with our enemy, fight against us." -Pharaoh against the children of God.

Saturday, April 9, 2011

RH is Pro-Chance

Hindi nga? Sinasabi ng mga supporter ng RH Bill na hindi daw ito tungkol sa aborsyon dahil wala daw nakalagay sa teksto na isinusulong nito ang aborsyon. Ngayon naman, kung ano-anong klase ng panloloko ang sinasabi nila sa tao on national television tungkol sa isinusulong nito. RH Bill is pro-chance daw; nakasulat ba?


"Chance para sa ipinanganak na mahirap. Chance na makapag-aral nang tuloy-tuloy; mapakain ng tama ang mga bata; magkaroon ng pangarap at di lang mga panaginip. Chance na makaahon. At yun lang naman ang hinihingi natin -- chance sa buhay."
Saan banda? Kahit saang bersyon ng RH Bill, walang nakasulat kung paano yayaman ang mga ipinanganak na mahirap; kung paano sila makakapag-aral nang tuloy-tuloy; kung paanong mapapakain ng tama ang mga bata; kung paanong matutupad ang kanilang mga pangarap; at kung paano sila makaaahon. Isa lang ang solusyon ng RH Bill -- pigilan ang panganganak. Ang tanong, sigurado bang yayaman ang mag-asawang konti ang anak? Sigurado bang makakapag-aral nang tuloy-tuloy ang dalawang magkapatid? Sigurado bang kakain ng masustansya at sapat ang maliit na pamilya? Siguardo bang matutupad ang kanilang mga pangarap at makaaahon sila sa buhay? Matapat bang makakasagot ng diretsong "oo" ang mga tagapagsulong ng RH Bill? Hindi. Dahil tulad ng sinasabi nila, ito ay tungkol sa tyansa -- sa tyamba -- baka sakali.



Pagkatapos ng pagtatapon ng bilyon-bilyong pisong pera ng mga mamamayan, sumusuporta man o tumututol sa panukalang ito, ang tanging maibibigay ng RH Bill ay "baka sakali." Pero ayon sa kasaysayan at sa pag-aaral, hindi automatikong magiging mas masagana ang buhay kung itutulak ng pamahalaan ang kontraseptibong mentalidad. Ang kabaligtaran ang mangyayari. Mawawala ang atensyon ng tao mula sa totoong problema ng korupsyon at kawalan ng pantay-pantay na oportunidad, dahil sisisihin ng lahat ang populasyon, na kung tutuusin, ayon sa mga mapagkakatiwalaang ekonomista, ay siyang dahilan kung bakit umuunlad ang isang bansa.

Image: I Oppose The RH Bill Facebook page
Sa halip na pagpapayman sa mga kompanya ng contraceptives ang isinusulong ng mga mambabatas na dapat sana ay kumakatawan para sa ating personal, materyal, at pangkomunidad na pag-unlad, dapat sana ay ginagamit nila ang kanilang isip, oras, at pera para bigyan tayo ng totoong mapagkukuhanan ng, at mapapaunlad na, kabuhayan; at hindi sandamukal na mga inutil na condom, pills, at IUD. Nagkukumahog silang maipanalo ang laban na ito dahil malaking "budget" ang pinag-uusapan, habang ang iba naman sa kanila ay talaga lang ignorante at nagpapadala sa mga ideyolohiyang nagmumula sa pagiging makasarili sa halip na sa diwa ng tunay na paglilingkod

Desperado na ang mga tagapagsulong ng RH Bill kaya malawakang panlilinlang na ang ginagawa nila, at wala silang pakialam kung tuligsain sila sa kanilang mga kasinungalingan dahil alam nilang kahit gaano kakatwa at kaliko ang kanilang sinasabi, laging may mga taong maniniwala. Pero hindi tayo kasama sa mga taong iyon, at hindi rin tayo papayag na mas marami pa silang malinlang.

Chance -  the possibility of a particular outcome in an uncertain situation. (Merriam-Webster Dictionary)

All possibilities are just around; we do not need laws to create possibilities What we need are laws that will give us assurances, protection -- not against people but for people, and security that comes from having our own source of wealth, beginning with effective personal development programs and proper financial education.
Best Blogger Tips

1 comment:

  1. very informative.

    www.againstrhbill.blogspot.com

    ReplyDelete